Tuesday, April 27, 2010

SI MAMITA: DIYOS KO, DIYOS KO HUAG MO AKONG PABAYAAN!

SI MAMITA: DIYOS KO, DIYOS KO HUAG MO AKONG PABAYAAN!

DIYOS KO, DIYOS KO HUAG MO AKONG PABAYAAN!










Sa akin ngayong pag-iisa,

At ang kaagapay ko’y wala na,

Dalangin ko sa Iyo Ama,

Ako’y palakasin mo pa.

Di ko kayang harapin,

ang bagong araw na darating,

Kung ang paglingap Mo sa akin,

Ay di mo ibabaling.

Sampung libong patay man,

Ang bumulagta sa aking harapin,

Ito’y balewala rin naman,

Kung ang presensya mo ay nandyan.

Ama ko, Ama ko huag mo akong pabayaan!

Sapagkat kailangan ko pang harapin ang bukas na darating,

Di ko alam kung ano ang haharapin,

Pero sa Iyo ako bumabaling.

Alam kong di mo ako pababayaan,

Pagkat yan ang Iyong turan,

Sa Iyong mga palad ko inilalagay,

Ang buhay ko ngaung taglay.

Sa paglisan ng aking maybahay,

Nawa ako ay gabayan,

Pagkat ako’y may anak pang kakalingain,

Na Syang handog mo sa amin.

Ngaun ako’y nagdadalamhati!

Salamat Ama may mga kabigan akong dumarating,

Na alam kong Ikaw ang siyang nagbigay,

Sa mga taong ito sa akin.

Salamat Ama! Salamat!

Sa pagkakataong ibinigay mo sa akin,

At kay Maricris na magiliw na aking ibig,

Na puno rin naman ng pag-ibig.

Sa’yo MAMITA kong giliw,

Paalam ang aking salitang bitiw,

Sa nagdaang isang dekada,

Na puno ng ligaya’t pag-asa!

Sapagkat di natin alam,

Ang plano ng Maykapal,

Kaya’t tayo’y magpasakop na lang.

DALANGIN KO SA’YO MAMITA,

KALULUWAY MOY' HUMIMLAY NA,

SA PAGPAPALA NG DIYOS NA MAYLIKHA!

SALAMAT MAMITA! SALAMAT!

BAUNIN MO’Y PAG-IBIG KO,

AT NI CRISTAN MONG MAGILIW

Thursday, February 18, 2010

SI MAMITA






















SI MAMITA

Sa aking pag-iisa at kalungkutan,
May isang babae na biglang lumutang,
Maricris Garcia ang ngalan nyang turan.

Sa unang araw ng aming pagdadaupang-palad,
Ako’y nabighaning walang katulad.

Sa pagdaan ng mga araw ng pakikipagkaibigan,
Natuloy rin sa pakikipagtipanan.

At ng dumating ang araw ng pag-iisang dibdib,
Anong ligaya ng pusong tigib.

Lumipas ang isang dekadang pagsasama,
May halong lungkot at saya ang dala,
Dulot ng sakit at ligaya,
Ganyan ang buhay ng mag-asawa.

At nang dumating ang isang biyaya,
Cristan David ang pangalan nya,
Anong dobleng tuwa ang dulot nya,
Sa aming puso puno ng pagpapala.

At ngayon sa aming buhay,
Isang pagsubok ang karay-karay,

Di ko alam kung ano ang pakay,
Pagkat ang talinong taglay di sakop
Ang dunong ng MAYKAPAL.

Kaya nga aking pagsamo’t dalangin,
Dinggin ang pusong tambing.

Ngunit kung oras na ng paghimbing,
Ng aking mamitang ubod ng lambing,
Kahit habang buhay na hindi na makapiling,
Baunin ang pag-ibig kong puno ng giliw.

Ngunit kung ipahintulot ng DIYOS na maalam,
Hangad ko sana’y huag muna mamaalam,
Ng aking mamitang kaparam-param.



DIYOS ko! DIYOS ko!
Huag mo ako pabayaan!
Sa akin YAHWEH mahabag ka,
At ako’y kaawaan,
Ibalik ang lakas ko’t kagalingan.

Sa IYO lamang POON nagmula ang lahat,
At sa IYO rin babalik ang lahat.
Sapagkat sa alabok nanggaling,
At sa alabok din magbabalik ang abang turing.

Papuri’t pasasalamat,
Sa IYO ko ibinabalik,
Sapagkat yan ang nararapat gawin ng
Aba mong ginigilw.

Kaya POON ikaw na ang bahala,
Sa buhay naming ito na sa IYO nagmula.

Salamat AMA! Salamat,
Sa mga panahong lumipas.

At balang araw kung ang aming hininga,
ay mapugto na at tuluyang mamahinga,
Iabot mo sana ang kamay mo’t awa.

AMA! Kami’y akayin MO,
Sa kaluwalhatiang taglay MO,
Kaisa ni KRISTONG anak MO,
At sa Espirutung bigay MO .

At kay Mariang pinagpala,
Kami nawa ay ipag-adya,
Sa lahat ng sakit at dusa.

At sa mga banal na Santo’t Santa,
Na nag-alay ng buhay sa kapwa,
Buhay nyo’y maging halimbawa!.

Itong tulang ito’y alay ko sayo Mamita!
Sana may pagkakataon pa na iyong mabasa!

Aking Mahal! Aking Sinta!
Pagmamahal ko sayo’y walang sawa!

AKING MAMITA! AKING MAMITA!