Tuesday, April 27, 2010
DIYOS KO, DIYOS KO HUAG MO AKONG PABAYAAN!

Sa akin ngayong pag-iisa,
At ang kaagapay ko’y wala na,
Dalangin ko sa Iyo Ama,
Ako’y palakasin mo pa.
Di ko kayang harapin,
ang bagong araw na darating,
Kung ang paglingap Mo sa akin,
Ay di mo ibabaling.
Sampung libong patay man,
Ang bumulagta sa aking harapin,
Ito’y balewala rin naman,
Kung ang presensya mo ay nandyan.
Ama ko, Ama ko huag mo akong pabayaan!
Sapagkat kailangan ko pang harapin ang bukas na darating,
Di ko alam kung ano ang haharapin,
Pero sa Iyo ako bumabaling.
Alam kong di mo ako pababayaan,
Pagkat yan ang Iyong turan,
Sa Iyong mga palad ko inilalagay,
Ang buhay ko ngaung taglay.
Sa paglisan ng aking maybahay,
Nawa ako ay gabayan,
Pagkat ako’y may anak pang kakalingain,
Na Syang handog mo sa amin.
Ngaun ako’y nagdadalamhati!
Salamat Ama may mga kabigan akong dumarating,
Na alam kong Ikaw ang siyang nagbigay,
Sa mga taong ito sa akin.
Salamat Ama! Salamat!
Sa pagkakataong ibinigay mo sa akin,
At kay Maricris na magiliw na aking ibig,
Na puno rin naman ng pag-ibig.
Sa’yo MAMITA kong giliw,
Paalam ang aking salitang bitiw,
Sa nagdaang isang dekada,
Na puno ng ligaya’t pag-asa!
Sapagkat di natin alam,
Ang
Kaya’t tayo’y magpasakop na lang.
DALANGIN KO SA’YO MAMITA,
KALULUWAY MOY' HUMIMLAY NA,
SA PAGPAPALA NG DIYOS NA MAYLIKHA!
SALAMAT MAMITA! SALAMAT!
BAUNIN MO’Y PAG-IBIG KO,
AT NI CRISTAN MONG MAGILIW
